10/26/2007

dunk u know

Ang noy-pi merong Pacman.
Ang intsik naman, merong Yao.
Ipagsama natin, then we have Pac-Yao.
Parehong superman. Parehong di-merkano.
Sabi na nga ba. Napapansin ko na nun pa na magiging Rockets fan ako. Di ko lang maamin.
Okay naman si Kobe pero parang kulang to be a superman. Magaling siya maglaro. Kahit nga nakabangko, alam mong intense sya. Pawis pa lang, dagul na.
Grade school pa lang, Lakers fan na ko. Nakikipag-debate pa ko sa mga anti-Lakers. Sinasabihan ko sila na mga bano ang gusto nila. Pero nung pumasok na si MJ, tapos lumalakas yung Bulls, panay champion, tapos etong si MJ ang dalas lumipad para mag-dunk o kaya mag-shoot ng 3 points, na sa sobrang pasikat nya e naibaol ko tuloy yung Lakers at napasigaw ng, "Bull!" este, "Bulls!".

Pati yung mga bopol na kadebate ko, nakisigaw na rin. Pero mga echo ko lang sila.
Eh kaso nag-retire na si MJ. Di na masaya sa Bulls. So, balik Lakers ule. Pero di na rin katulad dati. Si MJ kasi, iniba standard ng sikat. Pati tuloy Nike parang medyo humina kita.
Tapos, merong inimport na intsik. Yao Ming. Sabi ko nun, intsik na intsik ang pangalan. Di na binasbasan ng western na pangalan. Halimbawa, Joe. Pero siguro kasi di naman sya mukhang Joe kaya di na pinag-intirisan.


Di ko naman pinapansin dati yan kahit higante sa court. Pero pag talagang magaling ka na team player, yung tipong di sinosolo ang bola katulad ni Kobe minsan, mapapansin ka talaga e.
Tapos, napanood ko pa sa TV yung Year of the Yao. Dokyu yun tungkol sa kanya.
Ang ganda ng dokyu. Gusto ko nga bumili ng kopya pero di ko alam kung san ako makakabili ng original.

Di ko alam kung mas maayos ang ingles nya ke Pacman. O kung mas malakas ang loob nya na magpromote ng videoke mic.
Number 11. Ganda ng numero. Parang birthdate ko.
(walang koneksyon)
O, Houston, we don't have a problem anymore, ha.
* * *
kids should know that...
Yao Ming is married to Ye Li, a Chinese women's basketball player, whom he met when he was seventeen. Ye first rejected Yao, but finally accepted him after he gave her team pins from the 2000 Olympics. The Chinese media reported on June 25, 2007 that Yao Ming would marry Ye Li in August in a private ceremony in Shanghai. The wedding was set on August 5, laying to rest weeks of media speculation about the national hero's wedding date. Yao settled on an exclusive guest list that did not include any Chinese basketball officials, teammates or coaches. Yao married Ye on August 6, 2007. (wikipedia)

No comments: